IQNA

Sesyong Pang-Qur’aniko na Gagawin sa Presensya ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon

5:52 - April 04, 2022
News ID: 3003931
TEHRAN (IQNA) – Isang sesyong pang-Qur’aniko ang pinaplanong gaganapin sa Linggo, ang unang araw ng banal na buwan ng Ramadan, sa presensya ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon na si Ayatollah Sayyid Ali Khamenei.

Ang Qur’anikong kaganapan ay isasaayos alinsunod sa taunang tradisyon.

Magsisimula iyon sa Imam Khomeini (RA) Husseiniya (bulwagan na panrelihiyon) dito sa Tehran sa 4:30 PM lokal na oras.

Ilang bilang na nangungunang mga qari at matatandang mga miyembro ng pamayanang pang-Qur’aniko ng Iran ang dadalo sa kaganapan.

Ang programa ay gaganapin bilang pagsunod sa mga protokolo sa kalusugan.

Ipapalabas iyon nang buhay sa mga tsanel ng IRIB TV at mapapanood din sa onlayn sa pamamagitan ng website ng tanggapan ng Pinuno (Khamenei.ir).

Ang Ramadan ay ang ikasiyam na buwan sa kalendaryong Islamiko. Iyon ay panahon ng pagdarasal, pag-aayuno, pagbibigay ng kawanggawa at pananagutan sa sarili para sa mga Muslim sa buong mundo.

Sa panahon ng Ramadan, ang mga Muslim ay nag-aayuno (umiiwas sa mga pagkain at pag-inum) mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog ng araw.

Naglalaan din sila ng maraming oras sa buwang ito sa pagbabasa at pagninilay-nilay sa Qur’an.

 

 

3478324

captcha